Oil price rollback sa Araw ng Kalayaan

oil-price-hike

Masaya ang pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan ng mga motorista dahil sa pagtapyas sa presyo ng produktong petrolyo ngayong Martes.

Pare-parehong ibinaba ng Pilipinas Shell, Petron­ Corporation at PTT Philippines ng P.55 kada litro ang presyo ng gasolina, P.60 kada litro sa kerosene at diesel, epektibo alas-sais nang umaga.

Ganito rin ang naging bawas presyo ng Total­ Philippines, Phoenix Petroleum Philippines, Eastern­ Petroleum at Flying V na naunang nagpatupad kaninang alas-12:01 nang hatinggabi.

Ito ang ikalawang linggo na nagpatupad ng bawas presyo ang mga kompanya ng langis, sapul nang ihayag ng Saudia Arabia at Russia na palakihin ang produksyon ng langis.