Good news para sa mga motorista, nagpatupad ng pagbaba sa presyo ng mga produktong petrolyo ang ilang kumpanya ng langis sa bansa na epektibo kaninang hatinggabi (Enero 17).

Ang anunsyo ay pinangunahan kahapon ng Flying­ V na nagtapyas ng P0.40 sentimos sa presyo ng kada litro ng kerosene, P0.35 sa diesel at P0.20 naman sa gasoline na epektibo kaninang alas-12:01 ng hatinggabi.

Agad namang sumunod na nag-anunsyo ang PTT na nasa P0.35 sa diesel at P0.20 naman sa gasoline na epektibo ngayon alas-sais ng umaga.

Asahan naman ang pagsunod ng iba pang kumpanya­ ng langis sa kaparehong bawas-presyo sa petrolyo kahit hindi pa naglalabas ng abiso ang mga ito.

Enero 10 nang nagtaas ang oil companies sa pangunguna ng Flying V ng P0.10 sentimos sa presyo ng diesel kasabay ng P0.15 na tapyas sa presyo ng kerosene habang walang paggalaw sa halaga ng gasoline.