Oil supply sa NCR tiniyak ng DOE

Tiniyak ng pamunuan ng Department of Energy (DOE) na patuloy at sapat ang supply ng langis sa National Capital Region (NCR) sa kabila ng 30 day community quarantine mula kahapon Marso 15 hanggang Abril 14 na inilagay ng gobyerno para malabanan ang pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19).

Base sa assessment ng oil inventory ng DOE noong Pebrero 29, mayroon pang tinatayang nasa 2.7 bilyong litro ng crude at oil products na nakalaan para sa 45 araw ng fuel supply na kaya pa para sa one month quarantine period sa NCR.

Ayon kay Energy Secretary Alfonso G. Cusi, sapat ang 45 araw na fuel supply para sa minimum inventory requirement ng oil industry.

“During this most challenging time, it is imperative to ensure the continued supply of fuel products, especially in areas under quarantine.

Having sufficient petroleum supply is vital, making it a critical concern amid this crisis. The entire energy family is working 24/7 to make sure that energy services remain unimpeded,” ayon kay Cusi. (Vick Aquino)