OJT dapat suwelduhan – Grace Poe

Isusulong ni Senador Grace Poe ang pagbibigay ng sahod o mini­mum wage sa mga estudyante na nasa on-the-job training (OJT) sa iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan.

Sinabi ni Poe, chairperson ng Senate committee on public servi­ces, na nakapaloob ang OJT salary sa panukalang ihahain niya na magtatakda ng internship program para sa ­lahat ng mga tanggapan ng gobyerno.

Ayon kay Poe, dapat na suwelduhan ang mga ito kahit na nag-aaral pa lamang dahil tumutulong na sila sa kompanya o tanggapan ng pamahalaan habang pinapahusay ang kanilang kakayahan.

Base rin aniya sa ­Department of Labor and Employment (DOLE), noong 2018 ay umabot sa 75.2% o 1.73 ­million ang mga walang ­trabaho na nasa edad 15 hanggang 34-anyos.

Tiwala si Poe na ang ihahain niyang panukala ay tutugon sa ma­laking bilang ng mga walang trabaho mula sa hanay ng kabataan. (Lorraine Gamo)