Oksana pampainit sa bagyo

NI: NONIE V. NICASIO

Walang kupas ang alindog ni Oksana Gennadyevna Fedorova.

Makikita sa Instagram post ng pageantsglobal ang ganda at kaseksihan ni Oksana habang siya ay nagtatampisaw sa dagat.

Pampabuwenas sa sinumang barako ang taglay na kariktan niya. Walang lalaki ang makapagtitimpi sa katakam-takam na beauty niya. Ngayong rumaraga ang bagyong si Ambo, mabisang pamnpainit ang kanyang seksing larawan.

Si Oksana ay naging Miss Russia noong 2001. Itinanghal na Miss Universe noong 2002 at naging kauna-uanahang Russian na nanalo ng naturang korona. Ngunit pagkalipas ng 119 days ay naging kauna-unahang Miss Universe na na-dethrone.

Noong una ay hindi sinabi ang rason nito, subalit kalaunan, lumabas ang balitang nagkaroon ng intriga na umano’y buntis si Oksana, na pinabulaanan naman niya.

Bukod sa pagiging TV host at aktres, siya ay naging UNICEF Goodwill ambassador noong 2007. Si Oksana ay hinirang na The Most Beautiful Miss Universe of All Time ng pageantry website Global Beauties noong 2011. At sa isang poll na isinagawa ng All-Russian Center for the Study of Public Opinion noong 2012, ang mga respondent ay kinilala si Oksana bilang the Most Beautiful Woman in Russia.

Walang barakong hindi pagnanasaan ang makatulo-laway na alindog ni Oksana. Siya ang tipo ng babae na kahit saang anggulo silipin ay sadyang panggigigilan ng mga kalalakihan.

Sinong red-blooded na barako ang hindi mag-iinit at aapaw ang sexual appetite sa hotness ng isang beauty queen na tulad ni Oksana?