Okumu: Lakas ng UP 10 percent pa lang

Mga laro ngayon: (SM MOA Arena)
10:30am – UP vs UE
3:30pm – DLSU vs Ateneo

Hindi pa kuntento si UP Lady Maroons coach Godfrey Okumu sa ipinapakita ng kanyang mga manlalaro sa kasisimula pa lang na UAAP Season 82 women’s indoor volleyball tournament.

Tingin niya, 10 porsiyento pa lang ang inilalaro ng kanyang mga bataan.

“I hope that we will find composure in the next games. If we are, our game would come. I believe we only performed at ten-percent of what we are capable of,” litanya ni Okumu.

“The scoreline, unforced errors. I still believe we can do better. I believe that we just did a fraction of what we are.”

Target ni Diana Mae ‘Tots’ Carlos at mga kasama na pabagsakin ang University of the East Lady Warriors mamayang alas-10:30 nang umaga sa SM Mall of Asia Arena.

Lugmok ang Lady Maroons nitong Miyerkoles kontra defending champions Ateneo Lady Eagles, 13-25, 17-25, 23-25.

Tanging si veteran opposite spiker Carlos lang ang nakapagtala ng double-digit, 11 point para sa Diliman-based squad. (Janiel Abby Toralba)