Olats ng ‘Pinas inako ni Guiao

Inako ni National coach Yeng Guiao ang 88-92 kabiguan ng Team Pilipinas kontra Kazakhstan Biyernes ng gabi sa MOA Arena sa una sa dalawang laban sa fifth window ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Ginulpi ng Pilipinas ang Kazakhstan sa nagdaang Asian Games sa Jakarta sa pamamagitan ng 37-point victory pero kamakalawa ng gabi ay iba ang naging istorya.

“I’m taking the responsibility for this game,” sabi ni Guiao. “Everybody in the team was there because I decided that they be there, but we were mismatched in terms of quickness especially with our big men.”

Hindi natapatan ng mga big men ng Pilipinas ang mga tore ng Kazakhstan na sina Alexandr Zhigulin at Anton Bykov na tumapos ng 30 at 20 points, ayon sa pagkakabanggit.

Pinunto rin ni Guiao ang mainit na outside shoo­ting ng mga Kazakh.

“I’ve said this before, if Kazakhstan is able to make their threes, we will be in trouble. They were 52 percent from the three-point shot and our problem there was that their bigs were the ones making the threes,” patuloy ni Guiao sa panayam ng ESPN.

“Our bigs could not really step out and challenge those threes because if they extend out long, the quickness of the Kazakh bigs would be emphasized. We will be having a hard time just staying in front of their quick bigs with our own bigs.”