ATLANTA (AP) — Humahaba na ang listahan ng oldies na nagpapasiklab pa rin sa NBA playoffs, nadagdagan pa ng isa ang grupo — si Jose Calderon.

Mahalaga ang kontribusyon ng 35-anyos na Spaniard sa 111-101 panalo ng Atlanta Hawks kontra Washington Wizards Lunes ng gabi na nagtabla sa opening-round series sa 2-all. Napulot lang si Calderon­ mula sa waivers sa dulo ng regular season.

Maagang na-foul trouble si Denis Schroder, 20-minutong naglaro si Calderon, umiskor ng 10 at namigay ng five assists. Sumama siya kina old-timers Joe Johnson ng Utah at Nene ng Houston na nagbibigay­ ng mahalagang kontribusyon sa postseason.

Pagkatapos ng laro, tinabihan ni Calderon si Dwight Howard sa postgame news conference — senyales ng mahalagang papel na inilaro nila.

Inaasahan na iyon kay Howard, ang eight-time All-Star na sa wakas ay nagpakitang-gilas sa series. Iba sa kaso ni Calderon na numinipis na ang buhok sa bumbunan.

“I always think I’m going to be on the podium,” ­natatawang biro niya. “Just stay ready.”

Nilista ni Howard ang best-game niya sa postseason, may double-double na sa halftime at tumapos ng 16 points, 15 rebounds. Nagdagdag si Paul Millsap ng 19 points, at may 18 pa rin si Schroder.

Si Calderon ang big difference ng laro, na-outscore ng Hawks ang Wizards ng 29 points habang nasa loob siya.

Game 5 Miyerkules ng gabi sa Washington.

Sa Toronto, umiskor si Norman Powell ng career playoff-high 25, may 16 points at 10 assists si Kyle Lowry, at iniwan ng Raptors ang Milwaukee Bucks, 118-93, sa Game 5 ng kanilang first-round series.

May 19 points pa si Serge Ibaka, nagdagdag ng 18 si DeMar DeRozan sa Raptors, kapag nanaig sa Game 6 sa Huwebes sa Milwaukee ay puwede nang umabante para hamunin ang defending champion Cleveland sa second round.

Sa buong playoffs, nagde-deliver ang mga old timers,­ mga elder statesmen na balik sa court ngayong araw sa trio ng Game 5s sa West — host ang Houston laban sa puwede na nilang kalusing Oklahoma City, balik sa San Antonio ang Memphis at bibisitahin ng Utah ang Los Angeles Clippers.

Ilan sa mga inaasahang sasabak: 40-year-old Vince Carter (Grizzlies), 39-year-olds Manu Ginobili (Spurs) at Paul Pierce (Clippers), 37-year-old Jamal Crawford (Clippers), 36-year-old Pau Gasol (Spurs), 35-year-olds Johnson, Zach Randolph (Grizzlies) at Boris Diaw (Jazz), 34-year-olds Tony Parker (Spurs) at Nene.

“As you get older, as you get more experienced, you understand what ‘Winning Time’ means,” wika ni Dwyane Wade ng Chicago, ‘di na rin bata sa edad 35.