Oligarchs sa power industry sinisi sa mataas na kuryente

Hinamon ni Sen. Loren Legarda ang Freedom from Debt Coalition (FDC) na isumite sa Senate committee on energy ang mga pangalan ng “oligarchs” na naghati-hati sa negosyo ng power industry sa bansa.

Ito ang naging tagubilin ni Legarda kay Erwin Puhawan, power coordinator ng FDC, matapos na sisihin nito ang oligarchs sa mataas na pres­yo ng kuryente sa bansa.

Sa hearing kahapon ng komiteng pinamumunuan ni Sen. Sherwin Gatchalian, iginiit ni Puhawan ang pag-ami­yenda sa Electric Power­ ­Industry Reform Act (EPIRA) dahil hindi na umano ito angkop sa sitwasyon ngayon sa bansa.

Dahil dito, hinamon naman ni Legarda ang FDC na isumite sa komite ang mga pa­ngalan ng oligarchs na siyang nagpapamahal sa pres­yo ng kuryente.

“Akin na ‘yung listahan ng oligarchs,” giit ni Legarda kay Puhawan.

Sa naturang hearing ay kinalampag ni Legarda­ ang Department of Energy (DOE) na gumawa ng hakbang para mapababa ang presyo ng kuryente sa mga isla, lalo na ‘yung mga kumpanyang gumagamit ng diesel at coal para maka­gawa ng kuryente.