Olivarez dumikit sa finals

Lumapit ang Olivarez College sa pagkopo ng top spot nang pulbusin ang St. Benilde 84-65 sa Universities and Colleges Basketball League Summer Invitational sa Buddhacare gym sa Quezon City.

Hawak ang 35-29 bentahe sa halftime, lumiyab ang opensa ng Olivarez Sea Lions sa second half para lumobo ang lamang at makuha ang seventh win sa eight wins.

Nakakuha ng 22 puntos ang Sea Lions kay Pruvil Bermudez, bumakas ng 16 si John Uduba.

Isang panalo na lang ang kailangan ng Olivarez sa dalawang natitirang laro para masiguro ang twice-to-beat advantage sa championship.

Samantala, lumakas ang tsansa ng Diliman College (6-3) sa isa pang final berth matapos hablutin ang 60-53 panalo kontra CEU.