Patuloy ang pamamayagpag ng Olivarez College, sunod na biniktima ang JRU 72-64 sa UCBL (Universities and Colleges Basketball League) Summer Invitational sa Buddhacare gym sa Quezon City.
Kumana si Archie Sunga ng 12 points at two rebounds sa 18 minutong paglalaro sa Sea Lions na tanging hindi pa nakakatikim ng talo sa six-team preseason tournament.
Nagtala sina Klarenz Singh at Vinny Begaso ng pinagsamang 21 points.
Nagpasabog ng 20 points si Leo Esguerra para sa Heavy Bombers na nalasap ang pangalawang talo sa tatlong laro.
Sa ibang resulta, kinalos ng Diliman College ang St. Benilde 60-58, tinaob ng NU ang CEU 68-66.
May 21 markers si Rick Gerero para sa Diliman squad na napaganda ang baraha sa 2-1.
Si John Clemente ang namuno sa opensa ng Bulldogs sa sinakmal na 16 points.
Unang panalo ng NU sa tatlong laro, kasalo ang CEU at St. Benilde.