Ibinenta ni Polish discus thrower Piotr Malachowski ang kanyang silver medal na nasikwat sa Rio Olympics para tulungan ang isang tatlong taong gulang na batang lalaking may eye cancer.
Umapela din si Malachowski na mag-donate para kay Olek Szymanski na nagkaroon ng rare cancer na dumadapo lang sa mga batang under five years old.
Naglunsad ang discus thrower ng auction sa www.charytatywni.allegro.pl para sa kanyang medal.
Kulang ang teknolohiya sa Poland, kaya sa US ipapagamot si Szymanski. Diumano’y aabot sa $125,000 ang kakailanganin sa operasyon.
“In Rio, I fought for the gold. Today I appeal to everyone, let’s fight together about something that is even more precious the Health of this fantastic boy.
If you help me, my silver can be more precious than gold,” post sa Facebook ni Malachowski na naka-silver din sa Beijing noong 2008.
Sa Facebook pa rin, sinabi ni Malachowski na tagumpay ang subasta at binili ng highest bidders na sina Dominika at Sebastian Kulczyk, mga kamag-anak ng bilyonaryong si Jan Kulczyk, ang medalya.
Sa ginawa ni Malachowski, naging mas makinang pa sa gold ang kanyang silver.