Hindi na uubra sa Philip­pine Sports Commission ang labis na pakikinabang sa pondo ng mga non-Olympic National Sports Association dahil sa back-up ng Philippine Olympic Committee.

Ipa-priority na ng gover­nment sports agency sa 2017 budget ang 36 Olympic sports na mga bibiyaan ng pondo para makapagsagawa ng local meets at makasali sa mga international competitions, kasama ang exposure training sa abroad.

Giniit ni PSC chairman William Ramirez ang bagong direksiyon ng ahensya bilang pagha­handa sa mga atleta sa 2017 Kuala Lumpur Southeast Asian Games, 2018 Indonesia Asian Games, 2019 Manila SEA Games at 2020 Tokyo Olympics.

“We will prioritize the Olympic sports, hindi na iyung 10 lang” esplika ni Ramirez. “Dodoblehin natin ang mga pondo nila for them to set-up their trainings, preparations and programs para sa aim natin na mas maraming atleta natin ang makakapag-qualify sa 2020.”

Hinirit ni Ramirez na aalisin na ang palakasan system sa pamamahagi ng pondo. Nakatanggap ang PSC ng reklamo na tanging­ ang mga NSAs na mga kaalyado lang ni POC president Jose Cojuangco, Jr. ang nanagana, diyeta basta mahina sa kanya kahit Olympic sports man.

“It will not be the case anymore. Once the PSI (Phil. Sports Institute) gets going, all our national athletes will be the topmost priorities especially those Olympic hopefuls.

They will be subjected to strict monitoring by our core of technical experts like nutritionist, physiologist and strength and conditioning at hindi iyong kanilang NSA,” panapos nya.