Olympics maidaraos kahit walang vaccine

Hindi nakadepende sa madidiskubreng bakuna ang pagdaraos nang naurong na 32nd Summer Olympic Games 2020 at 16th Paralympic Summer Games 2020 sa Tokyo, Japan.

Ito ang giniit ni Tokyo Organising Committee of the Olympic and Paralympic Games (TOCOG) o Tokyo 2020 Coordination Comission head John Coates ng Australia.

Itinakda ang Olympics sa parating na Hulyo 24-Agosto 9 habang ang Paralympics sa August 25-September 5. Pero dahil sa coronavirus 2019 pandemic, naurong ang mga ito sa July 23-Aug. 8, at sa Aug. 24-Sept. 5, 2021, ayon sa pagkakasunod.

Pero sinalungat si Coates na pangulo rin ng Australian Olympic Committee (AOC) ni Japan Medical Association (JMA) President Yoshitake Yokokura.

“My opinion is that it will be hard to host them unless an effective vaccine is developed,” bulalas ng Japanese sa Kyodo News. “The global state of infections at that particular time will be a key issue. It will be difficult even if the situation in Japan has become better if infections continue to spread abroad.”

Pinanapos ni Coates na isang kasapi rin ng International Olympic Committee (IOC), na tutulungan ang organisasyon at ang quadrennial sportsfest ng World Health Organization (WHO). (Lito Oredo)