Olympics malabo sa 2021 – Japanese virus expert

Inamin ng isang Japanese virus expert na nangangamba siyang maisasagawa sa susunod na taon ang nakansela sa parating na Hulyo 24-Agosto 9 na 32nd Summer Olympic Games sa Tokyo, Japan, maging ang kakambal nitong 16th Summer Paralympic Games.

Ayon kay Kobe University infectious disease professor Kentaro Iwata, maaring hindi pa kontrolado ang coronavirus disease 2019 pandemic ng China.

“Holding the Olympics needs two conditions: one, controlling COVID-19 in Japan and (two) controlling COVID-19 everywhere – because you have to invite the athletes and the audience from all over the world,” sabi ni Iwata sa Japan Times.

“Japan might be able to control this disease by next summer, I wish we could, but I don’t think that would happen everywhere on Earth, so in this regard I’m very pessimistic about holding the Olympics Games next summer,” dugtong niya.

Sa bagong petsa ng dalawang quadrennial sportsfest, nakatakda ang Olympics sa Hulyo 23-Agosto 8, 2021, at ang Paralympics sa Agosto 24-Setyembre 5, 2021 makaraang iliban dahil sa COVID-19. Unang tinakda ang Paralympics sa darating dapat na Aug. 25-Sept. 6.

Mahigit na sa 2.4 milyon katao ang nahawa habang mahigit na sa 165,000 ang mga namatay sa sakit na nagbuhat sa Wuhan, Chuna.

Ipinaliwanag naman ni Tokyo 2020 chief executive Toshiro Muto, ang magiging hatid ng pandemic sa Games kung saan ipinaalam nito na inaayunan niya ang pahayag ni Prof. Iwata. “I did not think anyone would be able to say if it is going to be possible to get it under control by next July or not.”

Hinirit ni Global public health professor Devi Sridhar, na maaring matuloy lang ang dalawang kompetisyon sa bagong panahon kung madidiskubre agad ang isang vaccine na panlaban sa nasabing karamdaman.

Tumaas ang kaso ng coronavirus sa Land of the Rising Sun matapos ihayag ang postponement ng 2020 Tokyo Olympics. (Lito Oredo)