Iniatang sa mga batang mag-aaral ang paglikha, pinasilip na ang pares ng futuristic digital mascots para sa Tokyo 2020 Olympics at Paralympics.
Tinungkab ng mga organisador ang nanalong disenyo sa isang eskuwelahan sa Tokyo, kahapon, Miyerkoles.
Higit sa 205,755 classes sa 16,769 paaralan sa elementary ang nagpartisipa sa pagpili ng tatlong short-listed design, kabilang sa pagpili ang single vote ng kanilang klase.
Ang winning pair, na nakabihis ‘ichimatsu’ checkered pattern ng Games’ official logo, ang nakaharbat ng 109,041 votes.
“The Tokyo 2020 Olympic and Paralympic Games finally have their mascots,” sambit ni Ryohei Miyata, namuno sa mascot selection panel. “This means a lot, especially in Japan. I cannot wait to see these two characters coming to life in the stadiums, on the streets and on TV.”
Ayon pa sa organisador, ang mascots ang pinagsamang tradisyon na may inobasyon.
Ang kanilang pangalan ay pagdedesisyunan ng copywriters at iba pang professionals na ihahayag sa Hulyo o Agosto ng taon. (AP)