Walang makakapigil kahit pa ang 2019 novel coronavirus o COVID-19 outbreak sa Asya, sa gaganaping 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan sa darating na Hulyo 24-Agosto 9.
Ito ang kinumpirma ng Tokyo Olympics organizers nitong Huwebes.
“I want to again state clearly that cancellation or postponement of the Tokyo Games has not been considered,” giit ni Tokyo 2020 Olympics president Yoshiro Mori sa press conference nitong Huwebes mula sa PA Media reports.
Halos 60,000 katao na ang may impeksiyon ng virus mula sa Wuhan, China at karamihan rito ay buhat sa mainland China.
Idinagdag pa ni International Olympic Committee (IOC) member John Coates, na naghahanda ang mga organizer para matiyak ang kaligtasan ng mga atleta. (Janiel Abby Toralba)