Arestado ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI), ang isang Senior Graft Investigator ng Office of the Ombudsman at isang abogado sa isinagawang entrapment operation sa Lingayen, Pangasinan.
Kinilala ni NBI Director Dante Gierran, ang mga naarestong sina Leonardo Nicolas Sr., Graft investigator ng Ombudsman at kanyang pinsan na si Atty. Isagani Nicolas, labor arbiter sa National Labor Relations Commission (NLRC).
Ang dalawa ay inaresto ng mga tauhan ng NBI-Special Task Force sa isang hotel matapos tanggapin ang ‘marked money’ na kanilang hiningi mula kay Pangasinan Rep. Amado Espino at sa anak nitong si Bugallon, Pangasinan Municipal Mayor Amado Espino Jr.
Sasampahan ng kasong paglabag sa anti-graft and corruption, direct bribery at robbery extortion ang dalawang naaresto.