Ombudsman kay Pacquiao: Reklamo vs SPSBC, aksiyunan

Ombudsman kay Pacquiao: Reklamo vs SPSBC, aksiyunan

Hiniling ng Office of the Ombudsman kay boxer champ na si senador Manny Pacquiao na kumilos ito sa ethics complaint hinggil sa isinampa ng isang grupo ng anti-korapsyon laban sa kontrobersyal na power company.

Disyembre 2018, nagsampa ng reklamo ang Anti-Trapo Movement of the Philippines (ATM) sa Senate Committee on Ethics and Privilege­s, na pinamumunuan ni Pacquiao su­balit ayon kay ATM Leon Peralta hanggang sa kasalukuyan ay wala silang marinig na anumang ginawang aksiyon ng senador sa kanilang reklamo.

Magugunita na ilang araw matapos aprubahan ng Lower House ang ‘super franchise’ application sa Solar Para Sa Bayan Corporation (SPSBC) agad na nagsampa ng reklamo si Peralta sa Ethics Committee na pinamumunuan ni Pacquiao.

Dahil sa patuloy na pananahimik at hindi pagkilos ni Pacquiao, pormal nang tinanong ni Assistant Ombudsman Pilarita Lapitan ang mambabatas kung ano na ang update sa na­sabing kaso.

“We admire Manny Pacquiao for the lightning speed of punches he throws against opponents inside the boxing ring. But we find very disenchanting his refusal just to flex a muscle and to act on our complaint,” Peralta said.

Noong nakaraang Pebrero, tinukoy ng Presidential Anti-Corruption Commission sa Ombudsman ang reklamo ng ATM.