Ombudsman may matibay at legal na pandiin kay Arroyo

Iginiit ni Ombudsman Conchita Carpio Morales na matibay ang legal na basehan para madiin sa kasong plunder si dating Pangulo at ngayo’y Pampanga­ Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Binigyang-diin ni Morales na nagawang patunaya­n ng prosekusyon ang mga paratang laban sa mga akusado.

“The prosecution was able to prove that P365,997,915.00 was repeatedly pilfered by the accused, in conspiracy with each other, from the Confidential and Intelligence Fund (CIF) of the PCSO from 2008 to 2010,” ani Morales.

Pruweba rin sa mga inihatag na dokumento ng prosekusyon ay makikitang ang CIF ay lumobo sa ilalim ng direktiba ni Arroyo at ang halagang mahigit P365M ay tinanggap nina ex-PCSO officials Rosario Uriarte at Sergio Valencia.