Pagkatapos ng nakakabilib na 117-92 win ng Ginebra kontra San Miguel Beer sa winner-take-all semifinals showdown nila Martes ng gabi sa Smart Araneta Coliseum, nagyakapan sa center court sina Mark Caguioa at Jayjay Helterbrand.
Muli, ang binansagang Fast and Furious ng Gin Kings, bibiyahe sa Finals. Posibleng ito na ang huling championship series ng dalawa na magkasama, dahil pagkatapos ng season ay posible nang mag-retire na si Helterbrand na 40 na sa Oct. 14.
Silang dalawa ang huling naiwang miyembro ng champion team ng Ginebra noong 2008 Fiesta Conference.
“That’s why we gave each other a big hug,” ani Caguioa. “We’ve been here since the beginning. Nagpalit ng mga coach, ng mga players, pero nandito pa rin kami.”
Tinawag ni Helterbrand ang partnership nila ni Caguioa bilang ‘Last of the Mohicans’ at ang nakaambang championship series bilang ‘One Last Ride’ nilang magkasama.
Sasagupain ng Gin Kings ang Meralco Bolts para pag-agawan ang titulo ng PBA Governors Cup umpisa bukas.
“This is surreal. I still feel it’s not in me yet,” pakli ni Helterbrand pagkatapos ng panalo. “I don’t have the words to describe the win right now.”
Hindi naitago ni Caguioa ang nararamdaman: “I’m happy and I’m sad at the same time. I still don’t want to think that he’s gonna retire. Don’t want to think about that.”
Maaaring manggaling sa dalawa ang spark na kailangan ng Ginebra kapag wala sa porma sina LA Tenorio, Sol Mercado at Scottie Thompson.