Sa ginawang inspeksyon ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III sa bagong COVID-19 testing laboratory sa Marikina City kahapon, sinabi nitong naging maganda at maituturing umanong isa sa mga best laboratory na kanyang nakita ang nasbaing pasilidad.

“Okay naman, maganda. It is one of the best laboratories I’ve seen. Mukhang magandang-maganda ang pagkakagawa, maayos ang layout, talagang sinunod ang mga equipment, ang furnishing, tastefully executed,” ayon sa kalihim.

Umaasa si Duque na magiging modelo ang ginawa ng lokal na pamahalaan ng Marikina City sa ginawa nilang Molecular Diagnostic Laboratory, upang mapalawig ang testing capacity sa bansa.

Nakausap din ni Duque si Marikina City Mayor Marcy Teodoro na una nang kinalampag ang DOH para mapainspeksyon ang pasilidad.

Ayon kay Duque maaari nang magsimula ang operasyon ng laboratoryo sa Martes, gagamitin din ito ng San Mateo, Rizal at Antipolo City para sa kanilang mga hinihinalang COVID-19 patient.