Maglalagay si Manila Mayor Joseph Estrada ng ‘one-stop shop’ sa Manila City Hall para lalong mapabilis ang pagtugon sa lahat ng pangangailangan ng 896 barangay sa Maynila.
Binigyan ng direktiba ang Manila Barangay Bureau (MBB) na itayo sa lalong madaling panahon ang nasabing One-Stop Shop, na mag-aasikaso sa mga reklamo at paghingi ng tulong ng mga opisyal ng barangay.
“Ito ay para lalo nating mapabilis at mapag-igi ang pagbibigay-serbisyo sa mga barangay, sa mga Manilenyo,” ayon kay Estrada.
“Hinding-hindi puwede ang red tape sa aking administrasyon; hindi ganito ang tamang paglilingkod sa ating mga kababayan,” aniya pa.
Nabatid na ang MBB ang nagsisilbing tulay ng Office of the Mayor sa mga komunidad, lalo na sa pagsasagawa ng iba’t ibang programa at proyekto at pagpapatupad ng mga batas na may kinalaman sa mga barangay.
Ang tanging responsibilidad lang ng itatayong unit ay asikasuhin ang lahat ng pangangailangan ng mga opisyal ng barangay, maging ng mga ordinaryong Manilenyo.
hahaha ok yan ERAP pero mag isip ka ng bago naman wag yun gagaya gaya lang, nakikiride ka e
Good Job… malaking ginhawa sa mga mamamayan, sana lahat ng lungsod ganun din gagawin…
Wow umentra naman si Erap…langhya talaga dito sa Pinas,puro ningas kugon..magliliyab na Bansa natin..