Nagpahayag ng pagsuporta ang Department of Justice (DOJ) sa one-strike policy na ipinatutupad ng Dangerous Drugs Board’s (DDB) sa pag-dismiss ng isang empleyado ng gobyerno na positibong gumagamit ng iligal na droga.
Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, sinasang-ayunan niya na dapat ma-dismiss sa serbisyo ang isang empleyado ng gobyerno na gumagamit ng droga.
Gayunman, nabatid na nag-isyu ang Civil Service Commission (CSC) noong nakaraang taon ng isang resolusyon na pumapayag na ang isang empleyado ng gobyerno na gumagamit ng iligal na droga na sumailalim sa rehabilitasyon.
Sa kabila nito, nagkasundo naman ang DDB at CSC na ang lahat ng uniformed personnel ay dapat sumailalim sa one-strike policy kasama na dito ang pulis, militar at mga enforcement agent, kabilang na ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at ang National Bureau of Investigation (NBI).
Sa implementasyon ng kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa iligal na sroga noong Hulyo,2016, may 229 elected official, 52 uniformed personnel, at 245 government employee ang nagpositibong gumagamit ng iligal na droga.