Tiniyak ni bagong talagang Customs Commissioner Isidro Lapeña na kaagad tatanggalin sa trabaho ang sinumang empleyado ng Bureau of Customs (BOC) na mapapatunayang guilty sa korapsiyon bilang bahagi ng kanyang ‘one-strike policy’.
“Similar to what I did with PDEA (Philippine Drug Enforcement Agency), I will implement a one-strike policy to boost internal cleansing, which of course, shall be supported by intensified counter-intelligence efforts,” ayon kay Lapeña sa ginanap na turnover ceremony sa BOC.
Gayunman sa sandaling makatanggap siya ng report na sangkot sa katiwalian ang isang empleyado, hindi umano siya magdadalawang isip na sibakin ito sa tungkulin.
Kaugnay nito, sinabi ni Lapeña na bukas siya sa pagbuwag sa Command Center na binuo ni dating Custom Commissioner Nicanor Faeldon.