Worried ka na ba dahil sa tingin mo ay unti-unting nalalagas ang buhok mo? Hindi ka na dapat mag-worry dahil marami pa namang paraan para masolusyunan ang problema mo sa buhok. Tulad na lang ng onion juice. Malaki ang maitutulong nito para ang nagstokwa mong buhok ay muling tumubo. Narito ang paraan ng paggamit.

Kakaila­nganin mo lang ang isang kutsara ng oni­on juice at isang cotton pad kada isang pro­seso.
1. Ibabad mo muna ang cotton pad sa onion juice sa loob ng da­lawang minuto.

2. Matapos ang pagbabad ng dalawang minuto ay um­pisahan mo nang idampi ang cotton pad na may onion juice sa iyong anit.

3. Kapag nadampian mo na ang lahat ng bahagi ng iyong anit ay saka mo ito masahehin.

4. Matapos mong masahehin ang iyong anit na may oni­on juice ay hayaan ito ng at least 30 minutes.

5. Ang huling proseso ay ang paggamit mo ng iyong shampoo. Siguraduhin lamang na mababanlawan mo itong mabuti.

Maaari mo itong gawin tuwing makalawahan. Ang onion juice ay nakakatulong sa pagpapatubo ng buhok sa pamamagitan ng pagbo-boost ng level ng antioxidant enzyme ca­talase. Ang enzyme na ito ang siyang tumutulong sa pagdecompose ng hydrogen pe­roxide. Ito ay nagtataglay din ng sulfur na mahalaga para sa regeneration ng iyong hair follicles.

Mayaman din sa antibacterial properties ang oni­on na siya namang tumutulong para mapanatiling healthy ang iyong scalp.