Nababahala ang Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT), isang grupo ng mga Christian churches kaugnay sa tumataas na bilang ng mga kaso ng online sexual exploitation of children (OSEC) sa bansa.

Base sa pahayag ng PIMAHT, na binasa ni Ba­langa Bishop Ruperto Santos, sa isang pulong ba­litaan sa Catholic Bishops’ Conference of the Phi­lippines (CBCP), sinabi nito na ang human trafficking ay itinuturing na isang klase ng pang-aalipin o slavery.

Ayon sa record ng PIMAHT, nabatid na simula noong 2013 ay umaabot na sa kabuuang 109 rescue operation ang naisagawa, na nagresulta sa pagkasagip ng may 389 biktima ng OSEC.

Sa naturang mga operasyon rin, 165 suspek ang naaresto at 42 sa kanila ang convicted na.

Sinabi naman ni Marie Villalon ng NCCP, lumi­litaw na laganap ang OSEC sa mga area ng Dasmariñas City, Cavite; Angeles City, Pampanga; Iligan City, Lanao Del Norte; at Taguig City sa Metro Manila.