Balik ng Meralco si Arinze Onuaku para kumpletuhin ang unfinished business niya sa PBA.
Proven na ni coach Norman Black ang kalibre ni 6-foot-9 Onuaku, 30, naging Best Import ng 2016 Commissioner’s Cup. Nadala niya hanggang semifinals ang Bolts pero tumukod sa Alaska sa limang laro.
Undrafted noong 2010 ang produkto ng Syracuse, pero sa mga sumunod na seasons ay paroo’t parito sa NBA at sa D-League.
Nakatatlong seasons din siya sa NBA, naging journeyman nang magpalipat-lipat sa New Orleans Pelicans, Cleveland Cavaliers, Minnesota Timberwolves at Orlando Magic.
Naglaro siya sa Lithuania, sa Israel at sa China.
Isa sa pinaka-enjoyable daw na pinaglaruan niya ang Pilipinas, dahil ‘more Americanized’ dito – lalo ang American restaurants na nakasanayan niya.
“Most people speak English,” dahilan ni Onuaku. “In the Philippines you have Applebee’s (Grill + Bar), Chili’s.” (Vladi Eduarte)