Ipagbabawal ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Gina Lopez ang anumang planong pagbubukas pa ng mga open-pit mining.

Diin ni Lopez, bilang kalihim ng Kagawaran ng Kalikasan ay may prerogatibo siyang ipagbawal ang mga aktibidad na maaaring makasira sa kapaligiran.

“As a matter of policy, which is my prerogative as DENR secretary, we’re banning open pit mining, prospective, for the following reasons, that pit is gonna be there forever and a day, eternally,” ani Lopez.

“Who is gonna take care of that? It’s a financial ­liability to government for life,” dagdag nito.
Iginiit ng kalihim na ang mga open-pit mine ang pumapatay sa potensyal na kabuhayang pang-­ekonomiya ng mga komunidad.

Tinukoy nito na sa isang open pit na kanyang ininspeksyon ay natukoy ang toxicity level na umabot ng 500 mas mataas sa normal level.