Mga laro sa Sabado (Smart Araneta Coliseum)
8:00 am — NU vs. UE (m)
10:00 am — Ateneo vs. UST (m)
2:00 pm — NU vs. UE (w)
4:00 pm — Ateneo vs. UST (w)

Walang ­itulak-kabigin sa UAAP Season 79 women’s volleyball, open season kumbaga dahil halos lahat ay puwedeng umagaw sa korona na hawak ng La Salle.

Wala na sa Lady Spikers sina Ara Galang at Cyd Demecillo, nakumpleto na rin nina Mika Reyes at Carol Cerveza ang kanilang eligibility, at lumipat ng ibang school si Eli Soyud, pero balik si Kim Fajardo para maglaro ng isang taon pa.

Ang Finals MVP ng Season 78 na si Kim D Yang babandera sa DLSU, balik din sa kampo ni coach Ramil de Jesus sina Majoy Baron at libero Dawn Macandili.

Solido rin ang core ng Ateneo, pinutulan ng back-to-back titles ng La Salle noong nakaraan.

Graduate na si ­Alyssa Valdez pero nariyan sina Jho Maraguinot, Bea de Leon, Maddie Mada­yag, setter Jia Morado, at ang nagbabalik makalipas ang one-year absence na si Michelle Morente. Roo­kies ni coach Tai Bundit sa Lady Eagles sina Jules Samonte at Kat Tolentino.

Nasa FEU pa rin sina Bernadeth Pons, Chin-Chin Basas, Remy Palma, Jerrili Malaba­nan, Buding Duremdes at playmaker Kyla Atienza kapalit ni Gyzelle Sy.

Nabuhayan ang UP nang makarating sa Final Four noong isang taon, mataas ang kumpiyansa nina seniors Kathy Bersola, Nicole Tiamzon at Pia Gaiser, Isa Molde, Diana Carlos at Justine Dorog. Si skipper Arielle Estranero ang bagong setter ng Lady Maroons.

Bibitbitin ni 6-foot-5 Jaja Santiago ang kampanya ng NU na tuldukan ang 60-year title drought kasama sina setter Jasmine Nabor, Jorelle Singh, Roma Doromal at Aiko Urdas.

Sasandal ang 2009 champion UST kina vete­rans EJ Laure, ­Cherry Rondina, Ria Meneses, Chloe Cortez, Alex Cabanos at returnee Pam Lastimosa.

Natapos ang 58-game losing skid ng UE noong 2016, itutuloy nina Shaya Adorador, Roselle Baliton at Kat Arado ang pang-a-ambush ng Lady Warriors.

May sorpresa ring dala ang Adamson kina Jema Galanza, Joy Dacoron at Kieth Lebumfacil.