Itinulak kahapon ng isang senador na ibasura na ang secret voting sa Commission on Appointments (CA) at gawin itong bukas sa publiko upang maiwasan ang pagsisinungaling ng ilang miyembro.
Ipinanukala ito ni Sen. Paolo Benigno ‘Bam’ Aquino IV matapos maghain ng resolusyon sa Senado upang iparebyu ang proseso ng secret voting ng CA kasunod ng kontroberya sa rejection ng appointment ni Environment and Natural Resource Secretary Gina Lopez kung saan sumobra ang bilang ng boto kay Lopez.
Ayon kay Sen. Bam, dahil secret balloting ang nangyari, hindi tuloy maberipika kung sinu-sino ang bumoto sa approval ng appointment ni Lopez at kung sino rin ang nag-reject sa appointment nito.
Nauna nang ipinaliwanag ni Sen. Panfilo Lacson na kaya ginawa ang secret balloting ay dahil sa pakiusap ng ilang miyembro ng CA na natatakot ipa-ambush sakaling i-reject nila ang appointment ng mga cabinet member na may koneksyon sa Communist Party of the Philippines (CPP).
ANG SECRET VOTING IS A TOOL OF CORRUPTION, KUNG AYAW NILA NG OPEN ANG VOTING PARA ANO PA KUNG HINDI NILA MAGAGAWANG MALINIS ANG KANILANG MGA TRABAHO.
Eh! kung ayaw magpa-reveal ang mga hndi pabor, yong mga pabor nalang ang ireveal at kung sino-sino ang mga lalahok sa pagboto….bwahahahaahaaaah…mahiyain lang talaga sila…