Opensa ng Ateneo igagapos ng La Salle

Mga laro ngayon (Moro Lorenzo Field)
2:00 p.m. — UE vs. UST (m)
4:00 p.m. — DLSU vs. Ateneo (m)

Puntirya ng Ateneo na sikwatin ang pang-apat na panalo pagharap nila sa De La Salle ngayong araw sa UAAP Season 79 men’s football tournament sa Moro Lorenzo Field.

Makikilatis ang tikas ng Blue Eagles laban sa mahigpit dumepensang Green Booters pagkatapos ng UE-UST match.

Nasa tuktok ang last year’s runner-up Ateneo (9 points), two points sa unahan ng defending champion UP.

Galing sa 5-1 panalo ang Ateneo kontra Growling Tigers noong Linggo. Asahang magta-trabaho sina league-leading scorer Jarvey Gayoso at rookie Sam Lim sa Eagles.

Nasa pang-apat ang La Salle Green Booters (4pts), sa higpit ng depensa ay napuwersa sa scoreless draw ang Fighting Maroons.