Itinuturing ng admi­nistrasyong Duterte na tagumpay ang kanilang kampanya laban sa iligal na droga kahit na kalahati ng mga kaso ng patayan ay hindi resulta ng operasyon ng pulisya.

Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Secretary Martin Andanar, tagumpay ang operasyon ng pulisya laban sa droga subalit nababahala rin sila sa ulat na higit sa kalahati ng 3,000 kaso ng patayan sa drug personalities ay itinuturing na summary killings.

“Iyong police operations ay success iyan. Pero doon naman sa mayroong kinalaman ang gang wars o iyong internecine, kasi they eliminate each other, of course, that is a cause for concern ‘no. Kasi that does not fall under the absence of the law,” wika ni Andanar.

Tiniyak naman ng kalihim na kahit mga drug syndicates ang nagpapatayan sa kanilang hanay, sisilipin pa rin ito ng Phi­lippine National Police (PNP).

“Yes, iyon po naman ang sinabi ng Philippine National Police, na lahat ng mga mayroong kinalaman sa summary killings, iyong mga patayan ng mga gang war, internecine, these are under investigation,” diin ni Andanar.

Base sa ulat ng PNP, sa 3,000 drug personalities na napatay mula Hulyo 1, umaabot sa 1,466 ang napatay sa operasyon ng pulisya.

Sinisilip na ng Senado ang extrajudicial killings sa kampanya laban sa iligal na droga ng PNP.

4 Responses

  1. Hindi tutoo na tagumpay ang laban sa droga sa pilipinas. Tagumpay sa pagpatay ng mga mahihirap pero ang droga ay buhay na buhay pa rin. Nangangarap ng dilat ang palasyo.