Operasyon sa Achilles parang kurot lang – KD

Isang fan na nakatakdang sumalang sa Achilles reconstruction ang nagtanong kay Kevin Durant kung gaano kasakit ang ope­rasyon.

Sa Twitter, pinakalma ng Nets star ang fan – kaunting sakit lang daw.
Parang kagat lang ng langgam?

“@KDTrey5 How much pain were you in after Achilles reconstruction surgery? I’m getting mine done in 2 weeks,” tanong ni Hol­den Kushner.

Hindi nag-atubiling sumagot si Durant:

“You’ll be aight. Just a little pinch of pain.”

Nakahinga nang maluwag ang fan: “Thanks to Dr. Durant. You actually put my mind at ease, KD.”

Sa Game 5 ng Western Conference semifinals kontra Houston Rockets, unang inabot ng right calf strain si Durant habang nasa Golden State pa. (VE)