Muling nakaamba ngayong papasok na linggo ang panibagong taas presyo sa produktong petrolyo.
Sa anunsyo ng oil industry, tinatayang P0.20 sentimos hanggang P0.30 sentimos maglalaro ang karagdagang itataas sa kada litro ng krudo at gasolina.
Sa gasoline P0.25-P0.35 kada litro; kerosene, P0.15-P0.20 kada litro at diesel, P0.20-P0.30 kada litro.
Ang panibagong paggalaw sa presyo ng produktong petrolyo ay bunsod pa rin ng pagtaas ng presyo ng crude oil sa pandaigdigang merkado.
Ito na ang ikalimang beses na pagtaas na ipinatupad ng mga kumpanya ng langis ngayong buwan ng Agosto.