OPH pumalo na sa P3

Nagpalabas muli ng abiso ang mga kumpanya na langis sa mga motorista kaugnay sa muling pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo nga­yong papasok ng linggo.

Sa anunsyo, maglalaro sa P0.35 hanggang P0.45 ang dagdag-presyo sa kada litro ng gasolina.

Sumatutal ay mahigit P3 na ang itinaas ng presyo ng kada litro ng gasolina sa loob ng halos da­lawang buwan.

Magtataas din ng P0.25 hanggang P0.35 sa kada litro ng diesel habang P0.40 hanggang P0.50 naman sa kerosene.