Binistay ng bala ang dalawang kababaihan, kabilang ang isang opis­yal ng homeowners’ ng dalawang armadong kalalakihan habang nag-iinuman nitong Linggo ng gabi sa Muntinlupa City.

Ayon kay Senior Supt. Nicolas Salvador, hepe ng Muntinlupa City Police, naganap ang insidente dakong alas-7:55 ng gabi sa Sunflower St., Patdu Compound, South Green Heights Subdivision, Brgy. Putatan ng nasabing lungsod nitong Linggo nang biglang sumulpot ang dalawang armadong kalalakihan at walang salitang pinaputukan ang mga biktima at pagkatapos ay mabilis na nagsitakas.

Agad na nasawi ang ginang na kinilalang si Luzviminda Evano Gorme, 47-anyos, opis­yal ng homeowners’ sa naturang lugar sanhi ng tama ng bala sa ulo at sa katawan buhat sa kalibre .45 baril.

Habang ang kainuman nitong si Lilibeth Necor, 24, kapwa nakatira sa Brgy. Putatan ng nasabing lungsod ay patuloy pa ring ginagamot sa pagamutan.

Blangko pa ang pulis­ya, sa pagkakakilanlan ng mga suspect at nagsasagagawa pa ng follow-up investigation hinggil sa insidente.