Opisyal ng Land Bank, SEC kinasuhan ng Uniwide Group

Sinampahan ng kasong Estafa ng Uniwide Group sa Quezon City Prosecutor’s Office ang dalawa nitong finance officer, tatlong dating Securities and Exchange Commission (SEC) receiver, Land Bank of the Philippines (LBP) at da­ting opisyal ng bangko dahil sa pagsasabwatan na makuha ang may P3 bilyong halaga ng assets ng kompanya dahil sa mga ginawang pagkukunwari.

Kabilang sa mga kinasuhan ni Uniwide Group President Jesus Arranza sina Jaime Cabangis, dating chief finance officer ng Uniwide; Corazon Rey, dating Uniwide comptroller; Atty. Monico Jacob, Cornelio Pe­ralta at Arthur Aguilar, pawang miyembro ng SEC-appointed Interim Receivership Committee (IRC) na humahawak sa dapat na rehabilitasyon ng Uniwide; LBP Roberto de Ocampo, Margarito Teves at Peter Eymard Tamayo.

“In 2016, through a thorough review of the record of the case with SEC, I discovered that respondents Cabangis, Rey, Aguilar, Jacob, Pe­ralta, LBP and LBP officers conspired to defraud the Uniwide Group of Companies. Such frau­dulent acts were manifested by posting of collaterals which have excessive worth as against the loan amount supposed to be secured by mortgage and pledge, and the apparent rigged and manipulated dacio­n en pago involved in the rehabilitation procee­dings. I have discussed the matter with Mr. (Jimmy) Gow, who thereafter realized that he was actually defrauded by the herein respondents as the then President of the Uniwide Group,” ayon sa complaint -affidavit ni Arranza.

Nalaman na nag-isyu ng affidavit si Gow na nagko-corroborate sa reklamo ni Arranza, ipinasiya niyang magsampa ng reklamo para marekober ang bilyong pisong natangay ng mga respondent nang maupo si Arranza noong 2016 ilang buwan bago inilabas ang mga dokumentong may kinalaman sa rehabilitasyon ng Uniwide.