Umani ng papuri kahapon ang isang opisyal ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa ilang indibiduwal kabilang ang isang assistant secretary matapos mahatak ang sasakyan ng kanyang kapatid habang nagsasagawa ng clearing operation kontra illegal parking ng ahensiya sa isang lugar sa Metro Manila.

Dahil sa naging aksiyon ni Bong Nebrija, ­supervising operations officer ng MMDA, pinuri ito ni officer-in-charge Tim Orbos dahil sa katapangan at paggawa nito ng tama.

Nabatid na nagsagawa ng clearing operation kontra illegal parking ang MMDA sa isang area sa Metro Manila kahapon ng umaga.

Sa kanilang operasyon ay hinatak nito ang naka-­illegal park na sasakyan ng kapatid ng isa sa mga gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte na isang assistant secretary na tumangging magpabanggit ng pangalan.

Dahil sa insidente, humingi ng paumanhin si Nebrija, subalit pinuri siya ng naturang opisyal sa kanyang naging aksiyon.

Bukod kina Orbos at sa hindi nagpakilalang ­assistant secretary, pinuri rin ng ilang indibiduwal si Nebrija sa pamamagitan ng social media at ­dahil na rin sa pagluwag ng ilang lugar sa Metro Manila.