Opisyal ng Olympics nagbabala sa Beijing

Nagbabala ang isang senior member ng International Olympic Committee (IOC) na dapat nang nagpaplano ang international (sports) federations (Ifs) sa posibilidad na matinding epekto ng coronavirus disease 2019 pandemic para sa 24th Winter Olympic Games 2022 sa Beijing, China na magpapalugi sa kita ng quadrennial sportsfest at iba pang programa.

Ito ang isiniwalat ni IOC most senior member Richard Pound ng Canada.

“The IOC must consider the overall consequences of the unwelcome possibility that, in a worst-case scenario, both (32nd Summer Olympic Games) 2020 in Tokyo (Japan) and 2022 could be affected amid widespread concern over the coronavirus pandemic,” giit ng dating IOC vice-president.

Una nang napuwersa ng COVID-19 ang postponement ng Tokyo 2020 Summer Olympics na isang desisyon ng IOC at Organizing Committee officials na inaasahang magreresulta sa malaking dagdag na gastusin.

Nalagay din sa dagdag na financial pressure ang mga IF, partikular ang mga nakasandig na malaking parte sa Olympic revenue mula sa IOC para makasalba o maisagawa ang kanilang mga kompetisyon.

Dagdag na problema ang magiging epekto rin ng desisyon sa taong 2022 ng Beijing at co-host city Zhangjiakou sa Winter Olympics.

Hindi nagpahayag ang IOC sa mga detalye kung magkano ang matatanggap ng bawat IF mula sa Tokyo 2020 at kung paano makukuha ang kanilang kabayaran.

Nagbayad ang IOC ng $540M sa mga IF pagkatapos ng 2016 Rio de Janeiro Summer Games kung saan ibinahagi nito gamit ang isang sistema ang ranking ayon sa kanilang mga audience sa kanilang kompetisyon. (Lito Oredo)