Grabe sa pagkamangha nitong isang opisyal ng ahensiya ng gobyerno sa kanyang sariling kagalingan.
Ayon sa ating Amuyong, may pagka-plastic pa raw itong opisyal na ito dahil kunwari, ayaw ng papuri dahil ginagawa lamang ang kanyang trabaho.
Pero ang totoo, matindi raw ang pangangalandakan nito sa social media ng pagbati sa kanya ng kanilang superior.
Ipinagmalaki raw ng ating bida ang pagpansin at papuri ng kanyang boss na bagama’t sangkaterba pa ang kanyang mga salita upang palabasin na hindi siya nagbubuhat ng sariling bangko ay sa kabuuan lalabas pa rin ang pagmamayabang nito.
Minsan na ring nakaaway ni Mr. Official ang isa rin nitong kasama sa ahensiya dahil sa sinasabing sobrang pagka-epal at pagnanais agawan ng trabaho ang kasama.
Clue: Ang ating bida ay mayroong letrang B sa kanyang pangalan, as in Bida-bida palagi. (Dang Samson-Garcia)