Opisyal promotor ng fake news

Imbes na magpakalat ng tamang impormasyon sa publiko, isang opisyal ng gobyerno ang nagpapakalat ng fake news sa gitna ng krisis sa coronavirus outbreak.

Pinagmamalaki kasi ng opisyal na mayroon siyang sikreto kaya hindi tinatamaan ng sakit, lalo na ang coronavirus.

Pagbibida pa niya, kailangan lang kumain ng maraming saging para hindi tamaan ng nasabing virus.

Ang pahayag ng opisyal ay kinontra naman ng marami dahil wala pa namang naiimbentong vaccine laban sa COVID-19 at lalong wala kompirmasyon na nakatutulong ang saging para makaiwas sa sakit na ito.

Dahil sa endorsement ng opisyal, lalo pa ngayong nagmahal ang presyo ng saging sa merkado.

Clue. Ang opisyal na promotor ng fake news ay kilalang pikon at may letrang P sa kanyang pangalan as in Payat.