Opisyal sinita sa pagpapasikat

Hulaan Blues

Sino raw itong isang opisyal ng gobyerno ang sinita dahil sa ibi­nibida pa sa media ang lahat ng kanilang ope­rasyon?

Kapag may ope­rasyon daw kasi itong opisyal, lagi itong nagbibitbit ng mga kagawad ng media upang sa gayon ay malaman ng publiko ang mga ginagawa ng kanyang ahensiya.

Sa dami ng kanyang operasyon, aba’y nakatanggap tuloy ang award ang opisyal kung saan abot-tenga raw ang ngiti nito nang tanggapin ang plake.

Pero nang mapasabak ito sa isang forum, harapan itong si­nita ng isang dating opisyal dahil puwede naman daw magtrabaho kahit walang kasamang media.

Kahit napahiya, dinaan na lamang sa tawa ng opisyal ang pananabon sa kanya pero halatang namula ang mukha nito.

Clue: Ang opis­yal na sinermunan sa grand standing ay kilalang siga ng kalsada at may let­rang B sa kanyang pangalan.