Bilang bahagi ng mahigpit na seguridad sa ASEAN Summit ay nagsagawa ng “Oplan Galugad” ang pinagsanib na pwersa ng National Capital Regional Police Office (NCRPO), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa anim na detention facilities ng Special Intensive Care Area (SICA), Metro Manila District Jail (MMDJ), Manila City Jail, Taguig City Jail at Quezon City Jail Annex sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City kahapon ng umaga.

Hinalughog ng mga awtoridad ang anim na jail sa nasabing lugar kung saan ay nasamsam ang iba’t ibang uri ng mga kontrabado tulad ng mga dokumento ng paggawa ng bomba, listahan ng mga transaksiyon sa droga, cellular phones at mga drug paraphernalia.