Ikinasa na ngayon ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang ‘door-to-door’ sa pakikipagtulungan ng Firearms and Explosives Office (FEO) ng Camp Crame, sa mga nakarehistrong address ng mga firearm holder sa Quezon City na paso na ang lisensya.

Sa nakalipas na araw, uma­bot sa 204 na armas, 191 na maiksi at 13 na mahaba; 199 na bala; at tatlong granada ang nasamsam sa pinaigting na ‘Oplan Katok’ na programa ng QCPD.

Ang programang ‘Oplan Katok’ ay upang bawiin ang mga armas ng mga gun holder na hindi tumalima o nakapag-renew ng kanilang permit at iba pang kinakailangang dokumento.