Malamig ang Minority Bloc sa Kamara sa isinusulong na tax reform ng Duterte administration.

Sa isang press conference, sinabi ni House ­Minority Leader Danilo Suarez na bago maglabas ng mga bagong batas ay dapat ayusin muna ang r­evenue measures.

Kung meron umanong dapat tutukan at kalampagin­ ang administrasyon ay ang Bureau of Customs­ (BOC) at Bureau of Internal Revenue (BIR) na ­kapos sa kanilang mga tax collection.

Kung magagawa lamang umano ng BOC at BIR ang 100% tax efficiency ay hindi na kailangan pa ang tax reform pangunahin na ang isinusulong na pagbawi sa VAT exemption sa mga senior citizens at pagpataw ng excise tax sa produktong petrolyo na magpapahirap lamang sa publiko.

Tinuring naman ni Buhay Party-list Rep Lito Atienza na coverup lamang ang tax reform ng Duterte administration sa hindi efficient na koleksyon ng buwis na babawiin din sa publiko.