tonite-pak-allan-diones
Tuloy na tuloy na ang kasal ni Jake Zyrus next year sa nobya niyang si Shyre Aquino.
Sabi ni Jake, ayaw na niyang masyadong idetalye dahil nai-share na niya ang buong buhay niya sa inilabas niyang book na “I Am Jake.”
Kaya ‘yung kasal ay sa kanila na lang daw. Okey na raw ‘yon na alam ng publiko na ikakasal sila ng girlfriend niya.
Bale civil wedding ang magaganap at sa abroad ito kung saan legal ang same-sex marriage. Pinag-iisipan pa raw nila kung sa Canada, US o Europe.
Pero magkakaroon sila ng big celebration dito with their family and friends.
Imbitado ba ang Ninang Oprah Winfrey ni Jake sa kasal niya?
“Kung hindi ba siya busy, mag-­private jet siya! Ha! Ha! Ha!” tawa ng transman na singer.
Lahat daw ng espesyal sa buhay niya ay imbitado, pati na ang nanay niyang si Raquel Pempengco kahit na may hidwaan silang mag-ina.
Ayon kay Jake, hindi sila magkaaway mag-ina na hate nila ang isa’t isa. Iba lang daw talaga ang relasyon nila at tanggap na niya na ganu’n ang sitwasyon nila ng pamilya niya, na hindi tanggap ng mga ito ang relasyon niya.
Hindi pa rin sila nag-uusap na mag-ina, matagal na. Galit-bati raw sila at tanggap na niyang ganu’n magsalita ang nanay niya, na lagi itong may nasasabi kahit anong gawin niya. Kaya hindi na siya sumasagot dahil sarado naman ang utak nito.
Ani Jake, sobrang happy siya kung nasaan siya ngayon at kung sinong kasama niya. Mas kalma siya dahil iba raw ang may partner na kilala ang totoong siya.
Accepted daw siya sa part ng nobya niya, pero private lang ang mga ito.
Ang sabi sa amin ni Jake, medyo matagal na silang engaged ni Shyre, pero recently lang ito lumabas. Nang itanong namin kung gaano katagal na ang relasyon nila, natawa siya at ang sabi ay hindi pa masyadong matagal.
Importante para kay Jake ang magpakasal dahil bata pa raw siya ay pangarap na niyang mag-settle down with someone na makakasama niya habambuhay.
Ie-enjoy muna nila ang buhay nila as a ­married couple, pero gusto rin nilang magka-baby but not soon. Napapag-usapan lang daw nila ito.
Mas matagal sila ng ex-girlfriend niyang si Alyssa Quijano, pero si Shyre daw talaga ‘yung the one dahil marunong itong mag-handle ng bad times.
Natuwa si Jake na isinama talaga siya ni RS Francisco sa Charity Music Festival na inorganisa ng Frontrow Cares.
Gustong-gusto raw ni Jake ang charity concerts na ganito dahil meron din siyang sariling charity na tumutulong sa mga bata.
Sa December 16 ang nasabing music festival na kasama rin sa mga magpe-perform ang Parokya ni Edgar, Spongecola, Callalily, pati na sina Ely Beundia, Billy Crawford, Gloc-9, Andrew E, Ex Battalion at marami pang iba. May free food and drinks sa nasabing event na handog ng Frontrow.

Kris pinagkakitaan si Rayver

Ang bongga ni Kris Bernal, kahit may daily afternoon serye siya ay nagawa niyang magbakasyon sa Amerika nang 2 1/2 weeks.
Nu’ng Sabado lumipad pa-LA si Kris para dumalo sa birthday ng US-based sister niyang si Katherine ­Bernal. Si Katie ang naka­tira sa biniling house ni Kris sa West Covina, CA.
Nakita namin sa IG Stories ni Kris na panay ang shopping niya roon kahit na-miss niya ang Black Friday sale na kasunod ng Thanksgiving.
In fairness ay nag-advance taping muna siya ng “Asawa Ko, Karibal Ko” bago siya umalis. Hindi siya puwedeng mag-extend doon hanggang Pasko dahil sa “AKKK.”
Ang sabi ng leading man ni Kris na si Rayver Cruz, kailangang bumalik agad ni Kris dahil baka mag-suffer ang ratings ng show nila ‘pag wala ito.
Nakakaaliw ang kulitan ng KrisVer sa set ng “AKKK” na kinakan­tyawan ni Rayver ang pagiging businesswo­man ni Kris. Nagbebenta raw kasi ito sa set nila ng quinoa. Bumili raw si Ray at P300 daw ang tubo ni Kris sa quinoa.
Hirit naman ni Kris, panay ang palibre sa kanya ni Rayver ng Starbucks at kung anik-anik. Pati raw ang sinu-supply niyang quinoa, gusto nito ay libre rin. Ha! Ha! Ha!
Gusto rin palang umalis ni Rayver pa-abroad para samahan ang girlfie niyang si Janine Gutierrez na magki-Christmas vacation sa Amerika, pero hindi pa niya sure kung maaayos niya ang sked niya.
Masaya si Ray na mataas ang ratings ng unang teleserye niya sa paglipat niya sa GMA.
Aniya, sobrang ga­ling ng dalawang leading lady niya sa “Asawa Ko, Karibal Ko” na sina Kris at Thea Tolentino. May record daw ang mga ito na rater talaga ang mga show, kaya nagpasalamat siya na nada­may siya kina Kris at Thea.