Oraeme-Akhuetie duel sa San Juan

Mga laro ngayon (The Arena, San Juan)
10:00 a.m. — EAC vs. St. Benilde (jrs)
12 noon — Mapua vs. Perpetual (jrs)
2:00 p.m. — EAC vs. St. Benilde (srs)
4:00 p.m. — Mapua vs. Perpetual (srs)

Maghaharap ang da­lawang dominadong halimaw sa basketball court na sina Bright Akhuetie at Allwell Oraeme sa 92nd NCAA men’s basketball tournament sa The Arena sa San Juan mamaya.

Ipananargo ng Per­pe­tual Help Altas si 19-year-old Akhuetie para sikwatin ang pang-limang sunod na panalo, itatapat ng Mapua Cardinals si reigning Rookie-MVP Oraeme.

Atat naman na makaharap na ni Akhuetie ang kapwa Nigerian na si ­Oraeme.

“It’s going to be a great game and I will be out there doing my best to help my team win,” wika ni Akhuetie na galing sa pagsalpak ng 19 points, 12 rebounds, four assists, two blocks at isang steal laban sa Emilio Aguinaldo­ College.

May average 18 points, 12 rebounds at two blocks si Akhuetie habang 17.7 points, season-high 19.3 boards at three blocks ang ipina­ngangalandakan ni ­Oraeme.

Isang araw lang ang pahinga ng Altas matapos kaldagin ang Generals, 70-53, noong Martes sa nasabing venue para sikwatin ang 6-2 record at saluhan sa pangala­wang puwesto ang Arellano U Chiefs.

Sa 5-2, kasalo ng Mapua ang defending champion Letran Knights sa No. 4.

Salpukan sa unang laro ang EAC (2-7) at Benilde (0-8).