Oraeme problema ng Lions

Mga laro ngayon (The Arena, San Juan)
10:00 a.m. — Lyceum vs. EAC (jrs)
11:45 a.m. — Perpetual vs. Arellano (jrs)
2:00 p.m. — Perpetual vs. Arellano (srs)
4:00 p.m. — Mapua vs. San Beda (srs)

Target muna ng San Beda ang Final­ Four bago isipin ang titulo sa 92nd NCAA seniors basketball tournament.

“We’re taking it one step at a time, we have to make the Final Four first before we think of anything,” ani San Beda coach Jamike Jarin.

Mag-isa sa unahan ang Red Lions (11-2) at makakalaban ang Mapua Cardinals (7-5) sa main game mamaya­ sa The Arena sa San Juan.

Solo sa pangalawang puwesto ang Arellano University Chiefs (10-2) na haharap naman sa nasa No. 3 na Perpetua­l Help Altas (9-3) sa unang laro.

Huling nilapa ng Lions ang defending­ champion Letran Knights, 83-71, noong Biyernes sa larong nauwi­ sa gulo.

Nasangkot si San Beda back up big man Antonio Bonsubre kaya napatawan ng one-game suspension.

Dehado sa tao ang Red Lions dahi­l out na ngayong season si Donald Tankoua­ dahil sa knee injury, hindi pa makakalaro si Bonsubre kaya problema nila kung papaano pipigilan ang halimaw sa rebound na si reigning rookie-MVP Allwell Oraeme ng Cardinals.

Dudugtungan ng Chiefs ang 83-74 win nila sa Emilio Aguinaldo Generals.

Wagi rin ang Altas sa huling laro laban sa St. Benilde Blazers 70-45 noong Huwebes.