Pananatilihin ng Standard Insurance-Philippine Navy ang angas sa padyakan sa pagtrangko ng mga dating kampeong sina Ronald Oranza at Jan Paul Morales sa sa LBC Ronda Pilipinas 10th Anniversary Race 2020 na sisikad sa Pebero 23 sa Sorsogon at magwawakas sa Marso 4 sa Vigan, Ilocos Sur.
Hari si Oranza noong 2018 habang kinoronahan din si Morales dito nitong 2016 at 2017 kaya liyamado ang Navymen sa malaking cycling race sa bansa.
Makakasabwatan nina Oranza at Morales sina bikathon consistent top 10 finishers El Joshua Carino, George Oconer, Ronald Lomotos, John Mark Camingao, many-time King of the Mountain winner Junrey Navara at rookie Lance Allen Benito.
“We will just try to live up to what is expected of us, which is to win,” bigkas Lunes ni SI-PN coach Reinhard Gorantes. Pero batid niyang mabigat ang labanan ngayong taon dahil sa pagsali rin nang nagbabalik na 7Eleven Cliqq-Air21 by Roadbike Philippines na team champion may pitong taon na ang nakararaan.
Kampeon ni Mark Galedo noong 2012, at balik sa nasabing team na may malulupit na beteranong kagaya nina Marcelo Felipe at Rustom Lim.
Ang tila nagkakaedad na siklistang si Santy Barnachea na kuminang dito noong 2011 at 2015 kasama ang mga batang kakampi ang nasa Scratch It squad habang si 2014 winner Reimon Lapaza ang alas ng Celeste Cycles-PH-Devel Project Pro Team.
“There are a lot of team this year who are capable of beating us, 7Eleven is one of them,” wakas na bigkas ni Gorantes.
Ang 10-stage race ay hatid ng LBC at suportado ng Manuel V. Pangilinan Sports Foundation. (Elech Dawa)